Kilig kwento, kasal, atbp.

Uy, hello. Kumusta? Wala lang. Gusto ko lang mag-sulat in Tagalog. Sorry na din ah kung ‘di ko narereplyan agad mga comment n’yo dito. Lamnyonaman, feeling elite blogger… CHAROT!! Hahahaha. ‘De, medyo nakakaligtaan ko lang kasi. Ayun na nga!! Kumusta naman ako?

Hmm.. Kung finofollow n’yo ko sa Instagram (shameless plug mga bes sige na goooo hahaha), nakita n’yo siguro na andito ako sa Fujairah since Saturday (limang oras away from Abu Dhabi kapag public transpo, minsan lampas pa) kasi stressed sa work ang lolo mo aka jowa ko. As in, seryosong issue na stressed, sobrang payat na lalo, na ang masasabi ko lang.. Sobrang hirap kapag napakapangit ng management ng kompanya mo. Mga walang pakealam sa tao, mga hampaslupa!!

Cheret.

Basta sinurprise ko s’ya nung isang araw. Sabi ko, ‘di ako makakapunta eh sobrang down na down na s’ya no’n. ‘Di niya alam on the way na ako sa kanya may dalang Jollibee. Ganda points +1!

Edi ‘yun na nga.. Gusto ko lang kasing mag-share. Hindi ko kasi alam kung anong nagawa ko bakit binigyan ako ni Lord ng napakabuting boypren sa life ko na ‘to. Siguro, ako si Jose Rizal girl version o kaya doktor ako na napakadaming naligtas na buhay nung past life ko at talaga namang regular fries lang ang gusto ko e ginawang large ni Lord, may kasama pang extra salt, burger, at drinks. Woo sarap!

Lagi naman akong alaga dito kay Wel pero kaninang umaga kasi, sobrang touched lang talaga ako. Hindi ko alam kung fragile pa ang feelings ko kasi kakagising ko lang o ispeyshal lang talaga ang morning ko mga bes.

SO GANITO NA NGA. HAHAHA DI NA NAKWENTO PURO PASUSPENSE NA LANG EH

Bumangon kasi siya kaninang mga 7 AM. Akala ko naman iihi lang kasi hello? Sinong gigising ng 7 kung ala-una pa ng hapon ang pasok mo. So ako.. Okay, kebs, sleep na ulit ganyan. Tas mga 8 or 8:30 yata – ‘di ko nacheck – ginising n’ya ‘ko tapos sabi ko, “Sa’n ka galing?” Tas sabi n’ya, “Nagluto. Tara, breakfast na tayo.”

SO AKO ULET PARANG…. ???????????

“Anong breakfast? Kala ko umihi ka lang kanina,” sabi ko nung papunta na kami sa kusina. Hindi daw. Nagluto na daw s’ya at hindi na siya antok. “Naglaba na din ako ng damit natin,” sabi pa n’ya.

?????? ako ulet???

Ako sana may balak maglaba nun today habang nasa work s’ya. Nung isang araw kasi, naglaba na ‘ko ng mga damit tsaka bedsheet, towel, at punda, kaya ngayon sana ulit ako maglalaba pero.. Inunahan ako?? Lord why??

Tapos ‘yun. ‘Yun lang. Kumain lang kami ng breakfast together. Hahahaha!

Mga simpleng bagay lang na sobrang malaking bagay sa akin. Gaya rin ngayon na sobrang ubo’t sipon ako, ilang araw na. Palagi n’ya ako pinapa-alalahanan na uminom ng gamot. Kakatawag n’ya lang ulit mga 5 mins. ago para uminom ako. O kaya habang nagp-PS4 siya, kapag tumahimik na ako at humiga kasi masama pakiramdam ko, titigil ‘yon kahit ‘di naman kailangan, tapos tatabi lang sa’kin, mamasahehin ulo ko. (Ganun pampaantok ko bes hahaha.) O kaya kapag magluluto, ‘yun palagi magluluto sa’ming dalawa dahil breakfast lang ang kaya kong lutuin a.k.a prito. HAHAHA. ‘De! On a side note, marunong naman ako, pero siya kasi magaling talaga so siya nalang ‘di ba. ‘Wag na tayong mag-bida bida.

Nakakatuwa lang kasi parang.. Wow, ito ‘yung makakasama ko araw araw hanggang pagtanda. Ngayon pa lang, parang alam ko nang sobrang secure na ng future ko, kahit ano pang lagay namin, basta s’ya ‘yung and’yan.

YEHESSS ANG CHEESY NAKAKAASAR HAHAHAHA

Pero ‘yun. Medyo lungkot mode kasi babalik na ulit ako sa Abu Dhabi bukas or sa isang araw. Hindi pa okay ‘yung problema n’ya sa work and ayoko muna sana umalis pero kailangan na. Dapat ngayon ako babalik pero nung nakita ko na sobrang sad siya, sabi ko nung isang araw, “Sige, sa isang araw na lang.” Tapos kitang kita ko na lumiwanag talaga ‘yung mata n’ya. Ganung saya bes. Huhu.

Nalungkot rin ako syempre. Sabi n’ya kasi sa’kin kahapon, “Tatamadin na naman ako magluto.” Kasi nga.. alis na me.  Tapos nung isang araw din, sabi n’ya, “Malungkot na naman ako.. Kapag kasi nand’yan ka, nababawasan ‘yung stress ko kahit papa’no.” Palagi daw s’yang excited umuwi kasi nandito ako.

H A Y.

Tapos ‘yung title, gusto ko pa sanang ikwento kaso ang haba na naman ng post ko pero ano uhm kasi basta napag-usapan namin ‘yang kasal kasal na ‘yan. Bibitinin ko nalang muna kayo at papanatilihing clickbait ‘yan. BWAHAHA. Basta update ko kayo at pramis mauuna pa si Ate Space at Ate Thea ikasal bago ako, ‘wag kayo mag-alala. Hahahaha!

Advertisements

27 thoughts on “Kilig kwento, kasal, atbp.

  1. HAHAHA yung last part talaga!!!! 😂

    wala na talaga ako macomment simula nung pinost mo yung resume pakeme ng boyfie mo. sobrang sweeeet ano ba! at yan din ang sa tingin ko na nakakadagdag tamis sa mga relationships–yung mga little thing♡

    at ayun nga, aabangan ko yan! pero mauuna muna talaga si ate thea hahahaha

    Like

  2. Bwahahahahhahahaa!!! Yung closing statement talaga bumuhay ng katawang lupa ko! Mauna muna ko first in first out hahahahaha!

    Maguinhawang buhay! Pag gising mo may almusal at tapos na ang labada! Wooo Sarap!

    Liked by 2 people

  3. Pak nga makabitin besh! May pinag hahandaan kasi akong entry abt marriage, buti nalang, thought same tayo ng malalathala. Haha😊😂. Happy for you si ate. Aantabayanan natin iyan sa blogosphere at ang iba pang mauuna sa atin 😊😊.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s