Long post? Di kita babasahin.

Kanina, may nakapagsabi sa akin na wala na naman daw masyadong nagbabasa ng blog ngayon. More on photos and videos nalang daw – aka IG and YouTube, hindi na daw uso ‘yung may pupunta talaga ng page mo para basahin ang mga sinulat mo, pagandahan nalang daw ng pictures at videos.

First time namin mag-meet and malamang hindi pa siya napapadpad sa blog ko na purong nobela ang mababasa mo. At siya/sila, ang focus nila e talagang more on IG than blogging. Siya na rin ang nagsabi na tamad siyang magsulat at ginagamit lang n’ya ang blog para masabi lang may “blog”, yet they consider themselves bloggers dahil nag-bblog sila “from time to time.”

Hindi nalang ako nagsalita.

Sabagay, ano nga ba ang basehan para masabing “blogger” ka talaga? Si M/ocha U/son nga, blogger daw s’ya kahit wala naman akong makita na blog n’ya. Sa facebook pala siya “nagbblog.”

(Author’s note: sobrang gulo ng thoughts dito, nakikita ko na. Pagpasensyahan.)

Mabait siya, sila – nakakasundo ko naman sila sa mga bagay bagay; pero pagdating sa ganung point yata talaga e nasabi kong hindi ko gusto ‘yung ganoong tinatahak nila. Para bang they’re aiming for those “elite” bloggers na nakikita natin online. VernVerniece, David Guison, Laureen Uy, et al.

Ayoko ng ganun. Ayoko na mawawala ang passion ko sa pagsusulat, ititigil ko ang pagsusulat ng mahahaba, dahil lang “wala” nang nagbabasa ngayon at “tamad nang magbasa ang mga tao.” Bakit naman si Saab Magalona, Maine Mendoza, Camie Juan, mahahaba pa rin naman at personal posts pa rin naman ang nasa blog nila malimit pero binabasa ko pa rin. Lalo na ‘yung kay Trisha Velarmino – na favorite ko in the whole world. Talagang mas nobela pa ‘yun sa mga post ko pero binabasa ko pa rin.

(Not that I’m saying na hindi na passionate ang mga nabanggit kong bloggers above. Basta gets n’yo na. Matalino kayo, alam ko.)

Oo, pansin ko rin naman ‘yung pinopoint-out nila. Na kakaunti na raw ang nagbabasa talaga. Gets ko ‘yun. Compliment na nga sa akin kapag may magsasabi sa’kin na hindi sila mahilig magbasa pero natatapos nilang basahin ang mga posts ko. Partida, napakadami ko laging sinasabi. Sa isip isip ko, may skillszxs ako para basahin ng mga tao ‘yung posts ko o chismoso lang talaga sila. Hahaha.

Pero sabi ko nga, hindi nalang ako nagsalita.

Kasi alam kong magkaiba kami ng pananaw. Magkaiba kami ng tinitingnang goal pagdating sa blogging world. Although gusto kong sabihin na siguro kaya n’ya ‘yun nasasabi dahil ang mga followers niya sa IG e talagang tamad magbasa. Na kaya siya finollow e dahil lang naman talaga ng mga pictures n’ya..

E ‘yung gusto kong ipaglaban.. Hindi ganun. Kasi ako, meron akong kayo. Alam kong hindi kakaunti nalang ang nagbabasa ng blog dahil meron akong kayo. Cheesy pero gets.

Kaya ako, sabi ko talaga sa sarili ko kanina – kahit na ano pang sabihin nila na tamad na magbasa ang mga tao, wala nang nagbabasa keme – hangga’t and’yan kayo, hangga’t alam kong may nagbabasa at nagtytyagang basahin ang mga post ko, hangga’t gusto ko ang ginagawa ko, hindi ako titigil magsulat. Kasi kahit ulit ulitin ko, gusto ko ‘tong ginagawa ko eh?

Isa pa, hindi naman kasi ako nagbblog para talagang makilala which is from what I think (or concluded from our conversation) eh ganun ang gusto nila. Kaya lang naman ako nagsusulat kasi gusto kong may mabalikan ako at mabasa pagdating ng araw. Para sa sarili ko rin ‘to. Bakit ba?

Pero ayun lang. Wala akong kahit anong intention na maoffend ka if you’re one of those people na gustong maging kagaya ng mga “elite” bloggers na nakikita natin. If that’s what you want, wala akong problema dun. Masaya ako para sa’yo at susuportahan pa kita dahil ‘yun ang gusto mo.

Wala rin naman akong anything against them – ‘yung mga nakausap ko. Mabuti naman silang tao and nakikita ko pa rin naman ang sarili ko na nakakasama sila pero talagang siguro when it comes to things like these, magkakaiba kami ng pananaw. Kumbaga ako ‘yung wallflower out of all those people na gustong mag-standout.

At masaya na ako dun.

Sa likod lang ako at ijujudge ko kayong lahat doon ng palihim. Charot.

Advertisements

14 thoughts on “Long post? Di kita babasahin.

  1. huy amielle agree ako sa mga sinabi mo at sigurado ako hindi lang kakaunti ang mga nagbababasa ng blogs. may mga blogs din akong binabasa outside WP, at lahat yun personal blogs, and giliw na giliw rin ako pag nakikita ko sa mga comment box nila yung mga comments na mala-nobela rin, point is, hindi naman sila makakapagcomment ng ganon kahaba kung di nila binasa diba? hahahaha

    ituloy mo lang yang pagsusulat mo, dyan ka masaya eh so kiber lang kung walang nagbabasa or konti lang di ba? isa ako sa mga tsismosang nagaabang ng mga entries mo.

    Liked by 3 people

  2. Gusto ko sya/sila i-judge dito wahhahahahaha!

    Saang earth ba sila nakatira para sabihin na wala ng masyadong nagbabasa ng blog ngayon aber? Ako si Lily Cruz!!! Hahahahahahaha!

    Kung giliw na giliw sila sa mga IG photos at videos kemerut.. eh di gow.. pero wag nila lahatin, kasi madaming nag babasa pa din ng blog at lalo na ng blogs mo #BurberryLiteGandAmielle nobela man o hinde.. andito kami.. batalyon tayo lalavan tayo hahahahaha!

    Liked by 6 people

  3. Ganun talaga. May mga taong di maiintindihan yung ginagawa mo unless nandiyan din sila. Di ako masiyado nakakarelate dito kasi so far wala pa namang nangdown sakin dahil sa personal blog ko. Shut up na lang kasi sila, at yung mga alam na nagbablog ako support lang sila kasi sa sarili mismo nila gusto nilang matry pero di nila alam pano magsimula. Pabayaan mo nalang sila. Sila naman tung nagmumukhang ek-ek . 😀

    Liked by 2 people

  4. Mahilig ako magbasa ng mahabang personal posts -likas na chismosa ata ako. I’m sure marami kaming mga osyosera sa life. Lol. Pero totoo skills yan kasi na-encourage ang mga taong magbasa chismosa man o hindi! Syempre okay maging “elite” blogger, may ganong aspiration pero puede naman both. Gaya ng minention mo sina Saab, Trisha etc. Also pala… may nabasa ako na pagmahaba daw yung entry mas okey sya sa Google search so ibig sabihin kung may goal sila na maging “elite blogger” dapat mahaba yung posts (min 2000 words daw) —so baka flawed yung idea nila na dapat short lang kasi may mga “tamad magbasa”.

    Liked by 2 people

  5. Sino po ung nagsabing wala nang nagbabasa ngayon. Yaaaaaaa, sarap tadjakan. Haha. So ano tawag sakin/samin. Scanner, viewer, scroller ng mga blog posts? Wag mo na lang po silang pansinin Ate. Sabi mo nga po mayroong kayo/kami na masugid na nagbabasa ng iyong mga posts. Ahihi.

    Ung totoo, gigil nila si ako. Hayyy. As I always said, just keep on writing Ate para may i-keep on reading si ako. 😍😍😍

    Liked by 2 people

  6. May ganitong hugot din si David Guison lately. May vlogger daw kasi na nagsabi na blogging is the “boring version of vlogging”. Triggered sya teh. Haha. Sa isip isip ko lang, mas gusto ko pa din kaya magbasa ng mahabang post kesa manuod ng vlogs. And I think di naman ako nag iisa. Hihi!

    Liked by 2 people

    1. Ay agree ako! Masnakakatuwa pa rin magbasa ng blog for me. Actually, I’m not a fan of vlogs. Oh well, to each his own. Naniniwala din ako na marami pa rin namang nagbabasa. Although napaka-short ng attention span ng mga tao ngayon. 😐

      Liked by 2 people

  7. apir sa nobelang blog haha, minsan nakikita ko nakaka 1000 words na ako, kahit gusto kong iedit e bahala na 🙂 ang habol ko naman mailabas yung nararamdaman ko, hindi yung magpasikat sa magbabasa. saka mahirap magkaro’n ng closure sa mga sulat ko dahil walang period yung laptop ko haha, ano konek 😛 e ayun, basta hanggat may tfiob may magbabasa, pruweba na may mga nagbabasa at di lang basta habol e pasikatin ka, kundi intindihin ka 🙂

    Liked by 1 person

  8. “Alam kong hindi kakaunti nalang ang nagbabasa ng blog dahil meron akong kayo.”

    Whoah! Astig tong line na toh Aim-Yhel. Pwedeng linya sa pelikula. Tsk, iba ka talaga! 😉😄

    Huwag dapat nila i-generalize agad na ganun na ang mga tao ngayon, na tamad na magbasa, dahil ang totoo madami pa ding mga nagbabasa talaga. Tahimik lang, parang “silent majority” kumbaga.

    Tsaka parang ulam lang yan, kung favorite nila ang Adobo, wag nila sasabihing Adobo na lang ang kinakain ng tao ngayon. Kase madami pa din dyan na mas favorite pa din ang sinigang, kare-kare at menudo. 👊 😝 😁

    Liked by 2 people

  9. Opinion nya yan, wala tayong pakialam sa kanya, bebe. epal sya! hahaha.

    Iba kasi yung feeling kapag ninanamnam mo yung description and sinulat nung tao, iba e. satisfying. Tas parang andun ka na din (kagaya ng mga post nyo sa mga page nyo)

    Liked by 1 person

  10. Napapatanong din ako ng ganito minsan. Iyong kaklase ko kasi nagbabasa ng novel pero kapag blog ay ayaw niya raw noong mahaba kasi nakakatamad. Hindi na lang ako nagcomment kasi wala akong masabi. Iba-iba lang siguro tayo ng preference sa binabasa kung minsan.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s