Pag pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana

Short story muna tayo mga mamshie.

Meron kasi akong favorite fast food chain dito. SFC Plus ‘yung name n’ya, acronym for Southern Fried Chicken Plus. Anong meron sa kanila? Hmm.. ‘Yung parang sa mga normal fast food chain lang din. Chicken, burgers, wraps, sandwiches, pizza, mga ganun. Tapos sobrang favorite ko s’ya na tipong noon (mga last month lang ‘to tsaka months before that hahaha), halos ilang beses ata ako nagpapadeliver sa isang linggo kasi favorite ko talaga ‘yung Chicken Sandwich Deluxe nila. Masarap din ‘yung fries nila tapos lagi kong ipapartner sa garlic mayonnaise nila na sauce. (Sobrang adik na ako sa garlic mayonnaise talaga mga bes, nireregaluhan na ako ng roommates ko ng ganun.)

sfc

Nung isang gabi, nagpadeliver kami ng Tita ko ng 3 piece chicken atsaka ‘yan ulit for dinner. Sa Zomato ako palagi umo-order kasi sayang load kapag tawag. Lamnyonaman, kuripot si ineng. Tapos okay, sige, place order keme keme. After a few minutes, tumawag na sa’kin si Kuyang magdedeliver. “Hello, SFC Plus. I’m outside, Madam.” So labas naman si ako, nakapambahay, wala pang suklay at barefaced kung barefaced. Ganon!!

Pero ‘pag pinaglalaruan ka naman nga talaga ng tadhana…

Pagbukas ko ng gate, sabi sa’kin ni Kuyang nagdedeliver bigla, hello, ang tagal ko daw hindi nagpadeliver. English pero syempre Middle East English at ‘di ko na maalala ‘yung mismong sinabi pero basta ganyan sa tagalog. Nung una, ‘di ko siya nagets so sabi ko “Sorry?” sabay tingin sa kanya. Tapos inulit n’ya, may pagsabi pa s’ya ng “I know” na parang sure na sure s’yang ang tagal ko hindi nagpadeliver tapos.. nginitian n’ya ako.

NGINITIAN N’YA AKO.

At saka ko lang narealize na napakagwapo ni Kuyang nagdedeliver, hiNDI KO KINAYA MGA BESHIEWAP NAPANGITI DIN AKO. Hahahahahaha. Ang rufok! Ang rufok rufok ko pagdating sa mga gwapo.

Kaya nabihag ako ng jowa ko, e. (Uyyy, sipsip para hindi magalit kapag nabasa ‘to ng jowa. Hahaha)

Pagpasok ko ng kwarto, ang una ko talagang sinabi sa Tita ko, “Ang gwapo nung nagdeliver!! Sabi sa akin ang tagal ko daw hindi nagpadeliver. Alam daw n’ya! Dapat ikaw ‘yung lumabas, malay mo pwede mong asawahin! May number ako, tinawagan ako kanina e, gusto mo ba?!” Hahahaha.

Grabe. Feeling ko ilang beses na nga s’ya nagdeliver sa’kin pero hindi ko naman s’ya tinititigan o tinitignan kasi… ewan ko. Ganun talaga ako. Hindi ako tumitingin sa mukha minsan. Kahit kapag naglalakad ako sa mall, parang walang mukha lahat ng nakakasalubong ko. Diretso lang ‘yung tingin ko. Ayoko kasing may maka-eye contact. Hahahaha. Kaya kung makakasalubong n’yo ako, hindi ako mataray, batiin n’yo ako please. Ayoko lang rin kasi makakita ng madaming mukha kasi napakalimit kong managinip.

Pero ayun. ‘Yun lang. Cute cute ni Kuya. Ganda kasi ng smile n’ya. Huhu. ‘Di ko alam kung anong lahi basta puti s’ya. Hahaha. Kinilig lang ako ng very light nung sinabi n’yang ang tagal ko daw ‘di nagpadeliver. Trip din ata ako kaya abangers na mag-deliver dito. CHAROT!

Sorry Kuya, tipid ako lately, e. Next time nalang ulit. Next time, imemake sure ko rin na nakasuklay na ako at nagpulbo. Wait ka lang.

Advertisements

6 thoughts on “Pag pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana

  1. Super yummy ba yung nagde-deliver? I mean, yung chicken sandwich deluxe? 😁

    Mas bagay talaga itong blog post na toh dito kesa dun sa isa mong account. So yeah, one of the benefits of having an alternate blog. 😉

    Like

  2. Feeling ko, mamshie. GUTOM KA LANG. Nginitian ka lang, bumigay ka na agad? Pero dapat title neto, “Pag pinaglalaruan ka nga naman ng ngiti ni kuya/delivery boy” HAHAHAHAHAHA

    Kailangan talaga nating mga besh ang may magandang tanawin. Kaya ok lang yan. Sa sususunod hingi ka kay kuya ng extra rice, pasado na siyang ulam eh. HAHAHAHA. Tongonaaa, ang landi ko. Kung ano ano tinuturo ko sa’yo. HAHAHAHAHA.

    Like

  3. ANG RUPOK MO AMIELLE. ganyan din ako. or feelingera lang talaga ako? HAHAHAHAHA. ako naman, palagi ako nabibiktima ng mga cute na nurse. lol

    pero pag sa susunod na magpadeliver ka at ganon pa rin siya, alam na. 😂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s