On today’s episode of: gaano ako kamalas sa roommates

Hello! Eto na ulit ako, nagtatagalog. Hahahaha. Pasensya na ngayon lang ako nagpost dito mga beshy j, napressure ako sa mga comment n’yo dun sa last post ko e. Sabi n’yo kasi na-excite kayong basahin ang mga rant ko sa buhay, nakakaloka!

Pero ayon, eto na nga.

Ganito kasi ‘yan.

Ano.. Ahmm.. A ha ha I don’t feel any pressure right now. (Meme ‘yan nung kontisera somewhere; sa mga ‘di nakagets. Hahaha.)

Apat kasi kami ngayon dito sa room na tinitigilan ko sa Abu Dhabi. ‘Yung isa, Tita ko, and siya ‘yung nag-alaga sa’kin nung baby pa ako. ‘Yung dalawa, bestfriend nung Tita ko na babae – si Ate C – at kapatid n’yang lalaki. Pangalanan natin itong si lalaki na Mer. As in Merlat kulelat, ganon.

Badtrip na badtrip ako kay Mer na ‘yan kasi napakakalat sa gamit at most of the time, sarili lang n’ya ang iniisip, a.k.a feeling n’ya solo n’ya ang kwarto; ang bahay. Magluluto siya sa kusina, papabayaan niya ‘yung mga ginamit niya sa counter, hindi man lang n’ya maitapon sa basurahan mga ginamit n’yang sangkap panluto tapos hindi man lang rin mahugasan ang pinaglutuan at pinagkainan.. Feeling n’ya may katulong s’ya ganon!!

Hindi ko naman maiwasang hindi hugasan ‘yung pinaglutuan kasi share share naman kami sa gamit. Anong gagamitin ko kung hindi ko hugasan, ‘di ba? Ayoko namang ngumanga nalang at hindi magluto dahil lalabas pa na mapride akong tao at ayaw kong hugasan at linisin mga kalat n’ya.

22 lang siya ang alam ko at hindi kami nagpapansinan dahil wala namang sense and purpose kung magpansinan kami. Hahaha. Matangkad, 6 ft plus, na zuper majubis na lalaki kaya hello, ayoko na rin siya kalabanin. Baka ibalibag lang ako ni Koya. Mabalian pa ako ng buto, wala pa ‘kong pambayad bes; wala pa akong work.

Tapos eto na. Nung isang araw kasi.. Juskupo ang galit ko talaga patawarin ako ng Panginoong mahabagin.

Late na naman ako nagising. Ala una ng hapon na yata. Alas tres o alas kwatro na kasi ako nakakatulog araw araw, dala na siguro ng stress at basta, gets n’yo na. Madami akong iniisip mga baks. Kayo nalang mag-isip ngayon bakit fresh looking pa rin ako. Charot.

Edi ‘yun na nga! Normally kasi, kaming tatlo (ako, tita ko, and ate C) kapag paubos na ang kanin, syempre matic na na magsasaing kami kasi pa’no ‘yung sunod na kakain ‘di ba? May kusa kumbaga. Na ‘yun ang wala itong si Merlat. So ganyan, paggising ko, scroll muna si ineng, tingin ng emails, et cetera et cetera. ‘Di ako agad bumangon kasi sabi ko magluluto nalang naman ako ng ulam. May kanin naman na.

E sobrang kampante ko yata. Nung pagkaluto ko ng ulam.. edi excited na ako! Shet makakakain na rin ang anak ni Wella! Pagbukas ko ng rice cooker…

Amp0t@, walang kanin. Said kung said! (Alam n’yo ba ‘yon sorry ‘di ko alam kung anong Manila term non. Hahaha. Basta ubos na ubos mga bes!) ANG GALIT KO TALAGA SHUKINGINERS TALAGA, abot hanggang North Pole mga ganung levels ineng!

Saktong nasa kama n’ya si Merlat. May harang kasi syempre for privacy bawat kama pero alam kong gising, rinig kong nagcecellphone at hindi rin humaharok kaya alam kong gising. Kinuha ko ‘yung lalagyan nung kanin tapos binagsak ko talaga ‘yung taklob (takip) nung rice cooker. Very light lang kasi nag-iisip pa rin naman ako at baka masira edi lalo akong di nakakain. Diretso ako kusina tapos hoooo!! Lahat na ata ng santo ay tinawag ko na para patawarin ako at pakalmahin ang taong nanggagalaiti na sa gutom at galit.

Ni hindi man lang nababaran ng tubig para madaling hugasan! Hoooo! Ang galit ko talaga. Hahahahaha punyemas. Gustong gusto ko na magpadeliver pero di ko magawa kasi la kong pera pa e. Tas nung naisip ko na wala akong pera pucha edi lalo akong nabadtrip. Hahahaha asar!!

Hindi naman ako magagalit ng ganito kung unang beses lang nangyari eh. Hindi naman kasi ako talaga mabilis magalit. Sobrang pasensyosa kong tao. Alam ng mga kaibigan at pamilya ko ‘yan. Pero siguro talagang sumakto lang na ang sama ng gising ko tapos gutom na gutom pa ako. Ilang beses na rin pinagsasabihan ng Ate n’ya ‘yan pero talagang napakaburarang tao. (Makalat.) Ang kama n’ya nung nilinis nung Tita ko puro basura ng mga pinagkainan at mga softdrinks at water bottle at lahat na. Hindi ko alam paano pa siya nakakatulog ng ganun kakalat ‘yung kama n’ya.

Hanapin nalang natin ‘yung good side. Nakakain rin naman ako. Late nga lang. Pero at least!!


Hindi ko alam kung talagang minsan e malas lang ako sa mga kasama sa bahay o ano e. Napapahaba na ‘to kaya may part 2 ‘to. Atsaka sabi ko nga, trademark ko na ata ‘yung mahabang post. Kapag maikli ‘yung post, hindi ko gawa ‘yan. Hahahaha. Kwento ko sa sunod ‘yung naging roommate kong ginamit ang card ko pangshopping mga besh tapos huli na pero tanggi pa rin. Kaabang abang! Mala-GOT levels ganern! (Pero di ako nanonood ng GOT.)

Ayun lang. Ang saya magkwento feeling ko talaga mga friendsters ko lang kayo na chinichismis ko tungkol sa buhay ko dito. Hahaha. Sana okay lang kayo!! 12:48 am na dito, kelangan ko nang mag-try matulog kasi mamaya darating na si Merlat at hindi na ako makakatulog agad dahil snoring galore na naman ang Kuya mo.

Ay! Nakalimutan ko ikwento. Sobra rin siya mag-sleep talk mga bes. Nakakaloka! Minsan magugulat nalang ako tatawa ‘yan ng malakas o kaya magsasalita ng kung ano ano. Minsan makikipag-away yan sa girlfriend n’ya sa panaginip n’ya, shookt ang buong pagkatao ko mga mamshie.

Tapos pala, dito ko rin sasagutin ang inyong mga award! Kasi mas feel kong dito mag-share ng mas personal na mga bagay sa’kin kesa dun sa LA. Para wala ring magcocomment na “nice post” pero di naman nagets. Hahahaha. Wait n’yo ‘yan! Nagmamaganda pa ako kaya medyo pa-suspense at ang tagal ko magpost.

Okay. ‘Yun lang talaga. Sobrang dami ko nang PPS. Bukas kwentuhan ko ulit kayo. Good night! πŸ™‚

Advertisements

20 thoughts on “On today’s episode of: gaano ako kamalas sa roommates

  1. Ang bongga ng build up mo sa galit mo baks! Nag-expect ako nang mas matindi-tinding climax haha. Akala ko hahawiin mo ‘yung partition tapos ihahagis mo kay Merlat ‘yung kaldero, o kaya tatalakan mo nang todo-todo, as in ka-level ng mga bungangera sa Face to Face! Hahaha. Ang bait mo baks, good job! And good luck na rin, both sa job hunt at kay Merlat. πŸ™‚

    Like

      1. Hahahaha wag na makakasira pa sya sa Merlion πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ akala ko kung sino tong Not Amielle na to…kala ko poser mo πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

        Like

  2. Nag simula yung tawa ko sa “Pag bukas ko ng rice cooker….” Haahhahahahahaha! Hooooo! Ang sarap pektusan nyang si Merlat! Naiimagine ko muka nya parang si Taulava siguro! Hahahaha! Sarap lagyan ng langgam na pula ang kama nya hype sya! Hahahahaha!

    Like

  3. Ramdam kita… 3 years ako sa accomodation ng company dati nung nasa Dubai ako.. Limang Merlat ang kasama ko sa kwarto, plus anim pang Merlat na ka-share sa sala at kusina ng flat… Gusto ko na tumira sa kalsada! Good luck sa pamumuhay kasama s’ya, bumili ka na rice cooker, lagyan mo kandadoπŸ˜‚

    Like

    1. Tru kuya!! Hahaha. Sabi nga ni Papa, kung ayaw ko daw magreklamo, humanap daw ako ng ibang matitirhan na solo ko ang kwarto. Pero syempre, ako daw ang magbayad nun kasi mahal. Ediiii tiis tiis nalang, kelangan magtipid eh. HAHAHAHAHA

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s